Inilarawan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang naganap na pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City nitong Lunes, Hunyo 22, bilang isang kaso ng “bullying gone wrong.”
Ayon kay Remulla, lumalabas sa paunang imbestigasyon na maaaring may kinalaman ang umano’y pambu-bully sa naging ugat ng madugong insidente na ikinasawi ng tatlong estudyante at ikinasugat ng iba pa.
“Ang paliwanag ay yung mga batang yun ay binubully na dati pa. Parang nasobrahan na sila sa pagka-bully ng mga siga sa classroom kaya pinasok nila”. dagdag ni Remulla
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang buong katotohanan at matiyak ang pananagutan ng mga sangkot
