Inihayag ng Ateneo de Manila University ngayong Huwebes, Hunyo 11 na kasalukuyang “on leave” sina Ateneo Blue Eagles basketball coach Tab Baldwin at team manager Epok Quimpo.

Ito ay kasunod ng pagkasawi ng stedent athletes na sina Divine Adili at Rene Baterbonia, na nalunod sa isang team-building activity sa Aurora noong Lunes, Hunyo 8.

Nanatiling tikom ang bibig ni Baldwin mula nang mangyari ang insidente, habang patuloy namang dumarami ang panawagang harapin niya ang publiko at mga kaanak ng mga nasawi.

Kapansin-pansin din na wala si Baldwin nang bumisita ang mga manlalaro at coaching staff ng Ateneo sa burol ni Baterbonia noong Hunyo 10.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *