Isang linggo bago ang nakatakdang impeachment trial, iniulat ng Office of the Vice President (OVP) na nakapagtala ito ng 92.32% budget utilization para sa 2025.
Ayon sa taunang ulat ng OVP, ₱843.07 milyon sa kabuuang ₱913.24 milyong pondo ang na-obliga o naitalaga para sa iba’t ibang programa at operasyon ng tanggapan. Kabilang sa mga binigyang-priyoridad ang mga serbisyong panlipunan, disaster response, medical at burial assistance, at iba pang outreach initiatives.
Ang ulat ay inilabas habang papalapit ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Senado, na nakatakdang magsimula sa Hulyo 6.
