Nasa pangangalaga na ng pulisya ang ilang video footages ng team building activity na isinagawa ng mga basketbolista ng Ateneo Blue Eagles sa Dipaculao, Aurora bago naganap ang trahedya na ikinamatay nina Rene Batebonia at Divine Adili.
Kinumpirma ni Maj. Lorena Bautista, tagapagsalita ng Aurora Police Provincial Office, sa ABS-CBN News na inilipat na nila sa pangangalaga ng mga awtoridad ang kopya ng mga video footages noong Martes, Hunyo 9.
Hindi naman nabanggit sa ulat kung ang mga video footages ay kuha ng team mates o staff ng resort kung saan isinagawa ang team building activity.
Ayon pa kay Bautista, hihimayin ng forensic experts mula sa PNP ang nilalaman ng video upang madetermina kung nagkaroon ng kapabayaan sa hanay ng team coach o event organizers na naging sanhi ng pagkalunod ng dalawang star players.
