Sa isang Facebook live nitong Biyernes, Mayo 22, sinabi ni Sen. Pia Cayetano na handa na siyang mag-“move on” matapos ang kanyang emosyonal na pahayag kaugnay ng umano’y hindi pangangamusta ng ilang kapwa senador matapos ang insidente ng pamamaril sa Senado noong Mayo 13.
“I want you all to know na after my speech ang dami sa kanilang lumapit sa akin, kasi friends po talaga kami…And you know what guys, wala na sa akin ‘yon, ganoon naman ako eh. Wala naman akong mapapala [kung sasama] loob ko,” ani Cayetano.
Ayon kay Cayetano, marami sa kanyang mga kasamahan ang lumapit at kumausap sa kanya matapos niyang ibahagi ang kanyang naramdaman kasunod ng naturang tensyon sa Senado.
Bagama’t sinabi niyang may ilan pa ring hindi lumapit, wala na umano siyang sama ng loob tungkol rito.
“It’s important that we surround ourselves with people who we can trust, with people who we know care about us. And if there are misunderstandings, sabihin niyo, that’s why sinabi ko, and sure enough maraming lumapit sa akin. Okay na kami, so move on na,” aniya.
