Sinabi ni Mayor Victor James Yap Sr. na halos mamalimos na ang mga residente sa kanilang lugar dahil sa matinding kakulungan ng pagkain at malinis na tubig dahil hindi makarating ang mga relief and rehabilitation teams bunsod pagkakawasak ng mga kalsada at tulay ng malakas na lindol na tumama sa malaking bahagi ng southern Mindanao.

“May mga barangay ako kailangan ang chopper ang maghatid ng pagkain nila. Wala pa pong tigil ang aftershocks. Medyo ninenerbyos ‘yung mga tao,” pahayag ni Mayor Yap.

“Hindi po kami mabuti. Gutom na gutom na, wala nang makain ang isang barangay ko kasi may landslide,” sabi ni Mayor Yap sa panayam ng DZMM ngayong Huwebes, Hunyo 11.

Sinabi pa ng alkalde na sa kanilang bayan pa lamang, aabot sa 10 barangay ang nananatiling isolated dahil sa pinsalang idinulot ng major quake.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *