Hindi pa rin matanggap ni Ginang Rovelyn Baterbonia ang paghingi ng paumanhin ng school officials ng Ateneo de Manila University (ADMU) sa pagkamat@y ng kanyang anak na si Rene Baterbonia sa team building activity na ginanap sa Dipaculao, Aurora noong Hunyo 8.
“Sinabi ko sa kanila aksidente ‘yung nangyari dahil sa kakulangan n’yo,” giit ni Rovelyn sa ginanap na press conference sa Arlington Funeral Homes ngayong Huwebes, Hunyo 10.
“Sinabi nila aksidente lang daw at nag-sorry din sila sa akin. Pero, ‘yung sabi ko sa kanila – hindi maibabalik ng sorry ang anak ko.”sinabi ni Baterbonia
Tinukoy ni Rovelyn ang kakulangan ng medical staff at rescue teams sa team building activity na naging dahilan para abutin ng siyam-siyam bago naiahon ang kanyang anak mula sa dagat at mabigyan ng paunang lunas.
Aniya, inabot din ng 20 minuto bago maihatid ang kanyang anak sa isang ospital na posibleng dahilan kaya ito nalagutan ng hininga.
Hindi rin, aniya, nila binigyan ng konsiderasyon ang mapanganib na kondisyon ng karagatan sa mga oras na iyon.
Sa kabila nito, aminado ang ginang na hindi pa siya nakapagdedesisyon kung maghahain ng kasong kriminal laban sa pamunuan ng ADMU, coaching staff at iba pang personalidad na dapat managot sa pagpan@w nina Rene at Divine, na pawang itinuturing ng star players ng Ateneo Blue Eagles.
