Doble kayod na ang Office of the Ombudsman sa pangangalap ng ebidensiya laban sa mga personalidad na pinaniniwalaang sangkot sa multi-bilyong pisong flood control project scam, kabilang na ang mga ari-arian na kanilang pinagbibili sa ibang bansa gamit ang nakulimbat na pera sa maanomalyang proyekto.
“Nakakuha kami ng information about properties that were acquired by some characters or personalities in the flood control projects,” pahayag ni Remulla.
Sa kanilang programang ‘Executive Session’ sa DZRH ngayong Sabado, Hulyo 4, ibinunyag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na kagagaling lamang niya sa New York City kung saan nakakuha siya ng mahahalagang impormasyon na maaaring magturo sa mga ari-arian na nabili ng mga sangkot sa flood control scam.
Aniya, maituturing ang mga ito na “ill-gotten wealth” na isa ring krimen sa Pilipinas.
“At least araw-araw mayroong tayong naa-accomplish. Dahil sa dami ng trabaho, dapat talaga araw-araw nand’yan ka lang. Trabaho ka lang talaga,” giit ni Remulla.
