“The JDR Expert Team has safely arrived in Manila. [Japanese] environmental and disaster management experts will assess and provide technical advice on the Navotas Sanitary Landfill fire,” anunsiyo ng Japanese Embassy in the Philippines.
Dumating na sa Pilipinas nitong Biyernes, Abril 24, ang isang grupo ng Japanese Disaster Relief (JDR) experts para tumulong sa pag-apula ng sunog sa Navotas landfill na nagsimula dalawang linggo na ang nakalipas.
Binubuo ang JDR Expert Team ng pitong miyembro mula sa Japanese Embassy in the Philippines, Fire and Disaster Management Agency, National Institute for Environmental Studies, at Japan International Cooperation Agency (JICA).
Ayon sa Japanese Embassy, makikipagtulungan ang kanilang grupo sa Pilipinas upang alamin ang pinsalang naidulot nito sa mga komunidad, at magbigay ng technical advice pagdating sa firefighting operations, air pollution measurement, at waste management.
Matatandaang naitala ang “very unhealthy air quality” sa ilang bahagi ng Metro Manila mula pa noong nakaraang linggo dulot ng insidente.
Ulat ni Bea Tanierla
