Aabot sa 21,000 metric tons ng liquefied petroleum gas (LPG) mula sa Amerika ang iaangkat ng pamahalaan at ng Philippine National Oil Company (PNOC) para sa patuloy na pagtiyak ng matatag na supply ng gasolina sa gitna ng krisis sa Middle East.
Sa isang pahayag ngayong Sabado, Abril 25, sinabi ng Department of Energy (DOE) na nakatakdang dumating ang kargamento simula sa Mayo 20 hanggang 31 at ibababa sa Batangas para dagdagan ang imbentaryo ng bansa at palakasin ang supply para sa mga kabahayan at negosyo.
Ayon sa DOE, nakikipagtulungan sila sa mga stakeholder ng gobyerno at industriya para matiyak ang sapat na supply ng LPG sa bansa upang hindi maubusan at maprotektahan ang mga Pilipinong gumagamit nito araw-araw.
