Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga public school teachers mula sa National Capital Region (NCR), Calabarzon, Central Luzon, at Ilocos Region para ipanawagan ang ₱15,000 across-the-board salary increase.
Nitong Biyernes, Abril 24, nagmartsa ang mga guro mula sa Department of Budget and Management (DBM) sa San Miguel patungong Mendiola sa Maynila para hilingin sa pamahalaan na aksyunan ang mga nakabinbing panukalang batas para sa dagdag-sahod ng mga kawani ng edukasyon.
Ayon kay Teachers’ Dignity Coalition chairperson Benjo Basas, hindi bababa sa ₱210 bilyon ang kakailanganing pondo para sa umento ng mahigit isang milyong personnel ng Department of Education (DepEd).
Giit ni Basas, maliit ang nasabing halaga kumpara sa bilyon-bilyong pondong umano’y nakurakot sa maanomalyang flood control projects ng gobyerno.
Ulat ni Bea Tanierla
