Iginiit ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na tulad ng Iglesia Ni Cristo (INC), transparency at accountability din ang hangad ng gobyerno ni President Ferdinand Marcos Jr. at ng bawat Pilipino kaya importanteng bukas ang lahat sa pagpapanagot sa mga may kinasasangkutang kaso, sino man ang mga ito.
“Kung tayo po, at lahat tayo, pati po ang miyembro ng INC, ay para sa transparency at accountability, ganoon din po tayo, ganoon din po ang pamahalaan, ganoon din po ang Pangulo,” sabi ni Castro.
Sinabi ito ni Castro matapos na tuluyang kasuhan ng plunder ng Office of the Ombudsman si Marcoleta, miyembro ng INC, sa Sandiganbayan nitong Biyernes, Hulyo 3, kahit pa tatlong araw na nagprotesta ang sekta para sa senador nitong Hunyo 30 hanggang Hulyo 2.
Kaugnay nito, nagharang ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga kongkreto at plastic barriers, see-through fencing, at railings sa harap ng Sandiganbayan sa Commonwealth Avenue sa Quezon City nitong Biyernes ng gabi bilang dagdag-seguridad.
