Umabot sa record low na ₱64 kada US dollar ang palitan ng Philippine peso sa intraday trading ngayong Martes, Oktubre 27, ayon sa website ng Bankers Association of the Philippines (BAP).
Nag-open ang local currency sa ₱63.95 kada dolyar bago umabot sa ₱64 bandang 11:05 ng umaga. Nitong Lunes, Oktubre 26, nagsara rin ang piso sa record low na ₱63.95 kada dolyar.
Ayon kay Will Cabangon, presidente ng stock brokerage firm na AAA Securities, maaaring makinabang sa weaker peso ang mga kumpanyang malaki ang dollar earnings.
Gayunman, aniya, maaari rin nitong pataasin ang cost ng imported products dahil mas maraming piso ang kailangang ipalit para makabili ng US dollars.
