Nagdeklara si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng special non-working day sa mga bayan sa Batangas, Palawan, at Tarlac bilang pagdiriwang ng kani-kanilang lokal na kapistahan.
Sa ilalim ng Proclamation No. 1215, idineklara ang Mayo 2 bilang special non-working day sa bayan ng Bauan, Batangas para sa pagdiriwang ng Sublian Festival na nagbibigay-pugay sa Holy Cross at Sto. Niño.
Batay naman sa Proclamation No. 1216, idineklara ang Mayo 4, bilang special non-working day sa bayan ng Taytay, Palawan para sa Pasinggatan Festival na sumasalamin sa mayamang kasaysayan at kultura ng lugar.
Samantala, sa ilalim ng Proclamation No. 1217, idineklara ang Mayo 8, bilang special non-working day sa Camiling, Tarlac para sa paggunita ng kanilang taunang pista na may mga relihiyosong aktibidad at selebrasyon ng komunidad.
Ulat ni Brit Cezar
