Opisyal nang kinansela ang taunang selebrasyon na “Sas-Aliwa Festival” 2026 sa bayan ng Natonin sa Mountain Province bunsod ng umiiral na krisis sa enerhiya sa buong bansa.

Batay sa Executive Order No. 11 na nilagdaan ni Natonin Mayor Jose T. Agagon ngayong Lunes, Marso 30, kinansela ang “Sas-Aliwa Festival” 2026 dahil sa energy crisis sa buong bansa.

Dahil dito, apektado ang lahat ng nakatakdang cultural at socio-economic activities na karaniwang bahagi ng taunang selebrasyon ng lokal na pamana at tradisyon.

Inatasan naman ang lahat ng ahensya sa lalawigan, kabilang sa paghahanda ng festival, na itigil agad ang lahat ng kaugnay ng aktibidad at gastusin.

Samantala, nakasaad din sa kautusan na posibleng ilipat ang pondo ng nasabing pagdiriwang patungo sa mga programang may kinalaman sa pagtitipid sa enerhiya.

Ulat ni Brit Cezar