Inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na toll free sa buong buwan ng Abril ang kabubukas lamang na CAVITEX-C5 segment 3B.

“Ito, toll free ito buong Abril. Mula ngayon hanggang end of April, toll free para naman mapagbigyan ang ating mga kababayan na dumaraan dito,” saad ni Pangulong Marcos.

“Malaking bagay ito dahil made-decongest, mababawasan ang traffic sa maliliit na kalsada dahil dito na lang dadaan,” giit ng Pangulo.

Idinagdag pa ni Pangulong Marcos na malaki ang matitipid na oras sa biyahe ng mga motorista at commuters sa pamamagitan ng CAVITEX-C5 Segment 3B dahil ang dating mahigit isang oras na byahe mula Taguig City hanggang Parañaque City ay posibleng maging 15 minuto na lamang.

Ulat ni Bea Tanierla