Pinapurihan ng Malacanang ang hakbang ng Manila City government sa pamumuno ni Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa pagkontrata sa 22 jeepney organizations sa siyudad upang magsagawa ng libreng sakay sa gitna ng krisis sa langis na nararanasan ng mga mamamayan na sinabayan pa ng mga tigil-pasada ng transport groups.

“We also note with appreciation the City of Manila’s enterprising and inspiring move to fully subsidize the operations of thousands of jeepneys so they can ferry passengers for free,” sabi ni Executive Secretary Ralph Recto sa isang statement noong Linggo, Marso 29.

Mahigit 1,400 jeepney units mula sa 22 transport organizations ang kinontrata ni Mayor Isko ng tig-P3,000 kada araw para magkaloob ng libreng sakay sa ilang ruta sa Maynila matapos lumitaw na P200 hanggang P500 ang kinikita ng mga ito bunsod ng global oil crisis.

“These are examples of damayan that will help us ride out together the economic disruptions, not of our making, but are hitting us hard,” pahayag ni Recto.

Bingiyang diin ni Recto na ang naging hakbang ng pamahalaang lungsod ng Maynila ay pagpapakita ng sakripisyo ng bawat isa para makatawid sa hirap ang mga mamamayan mula sa epekto ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.