Posibleng magdeklara ng state of emergency si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kung patuloy na tataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin bunsod ng sunud-sunod na oil price hike, ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro.
“Hindi pa napag-uusapan sa ngayon pero maaring magdeklara kapag nagkataon, kapag tama na ang sitwasyon,” saad ni Castro.
Ayon kay Castro, pinag-uusapan pa ng mga ahensya at ng stakeholders ang presyo ng mga pangunahing bilihin, bagama’t posibleng iutos ng Pangulo ang price freeze “kapag nagkataon, kapag tama na ang sitwasyon.”
“Hindi maiiwasan ang pagtaas ng presyo ng fuel dahil sa tuloy-tuloy na nangyayari sa Middle East so titignan natin kung ‘yung pagtaas ba ng presyo ng basic commodities ay dapat,” dagdag ni Castro.
Samantala, sinuspinde na ni Marcos Jr. ang fare hike sa mga public utility vehicles (PUV) ngayong Miyerkules, Marso 18.
Ulat ni Ansherina Baes
