Nasa procurement process na ang pamahalaan para makabili ng 2 milyong bariles ng langis mula sa global market upang madagdagan ang buffer stock ng bansa, ayon kay Finance Secretary Frederick Go.

Ayon pa kay Go, madadagdagan ng 10 araw ang kasalukuyang 60-day fuel buffer stock ng bansa sakaling makabili ang pamahalaan ng 2 milyong bariles ng langis mula sa global market.

Una nang sinabi ng DOF na ang suspension ng excise tax mula Mayo ay posibleng magresulta sa revenue shortfall na ₱136 million.

Samantala, aprubado na sa Kongreso ang panukalang batas na nagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para suspendihin o bawasan ang excise tax sa produktong petrolyo kung lalampas sa $80 kada barrel ang presyo nito sa global market sa loob ng 30 araw.

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *