Nagbabala ang kowalisyon na Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa (Sentro) at Labor Education and Research Network (LEARN) na umabot na sa halos tatlong milyong Pilipino ang walang trabaho, habang milyon-milyon pa ang walang “stable” na hanapbuhay na mas dumarami pa kumpara bilang noong 2025.

“Unemployment is rising again, with the jobless rate climbing compared to both last year and the previous quarter,” ayon sa dalawang grupo.

Isinapubliko ng mga grupo ang bagong Labor Force Survey (LFS) ng Philippine Statistics Authority (PSA), kung saan tumaas ang unemployment rate sa bansa sa 5.8 percent noong Enero 2026, mula sa 4.3 percent noong Enero 2025.

Sa aktwal na bilang, aabot sa 2.96 milyon ang mga Pilipinong walang trabaho na may edad 15 pataas, tumaas mula sa 2.17 milyon noong nakaraang taon.

Ulat ni Brit Cezar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *