Nakatakdang isalang sa quality testing ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at Department of National Defense (DND), ang prototype ng bulletproof vest na gawa sa hibla ng abaca.

“Ang sabi nila its Level III na kaya ang .45 and 9mm na b@ril,” sabi ni PhilFIDA Executive Director Dr. Arnold Atienza.

Ayon kay Atienza, ang naimbentong bulletproof vest, ang Tactical Aerocomp Vest, na gawa sa abaca ay resulta ng pagtutulungan ng mga faculty at students ng De La Salle University (DLSU) at University of the Philippines (UP).

“Dahil nasa gobyerno tayo kailangan nating siguraduhing tama po, kumbaga ‘yung kini-claim nila ay totoo kaya tayo po ay magsasagawa ng testing,” ani Atienza sa panayam sa Radyo Pilipinas noong Agosto 14.

Aniya, pormal na siyang nagpadala ng liham sa PNP, AFP, at DND upang makibahagi sa testing ng bulletproof vest para masubukan ang kakayahan nito sa pagsangga ng bal@.