Naghahanda na ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa darating na confirmation of charges hearing na gaganapin sa Setyembre 23, ayon kay Vice President Sara Duterte.
“Naghahanda sila para sa confirmation of charges. Maaaring narinig niyo na, at ang ilan sa inyo ay maaaring nagpaplanong pumunta sa The Hague sa Setyembre 23 para sa confirmation of charges. Tapos, naghahanda na rin ang mga abogado,” saad ni VP Sara.
Sa naturang hearing ay muling haharap si Digong sa Pre-Trial Chamber 1 ng International Criminal Court (ICC) kung saan siya kasalukuyang nakapiit dahil sa kasong crimes against humanity.
Ito ay inanunsyo ni VP Sara sa kanyang talumpati sa kanyang pagbisita sa Kuwait noong Biyernes, Agosto 15.
Ulat ni Ansherina Baes
