Walang naitalang pagkawala ng kuryente o CCTV footage sa Quezon City Jail Male Dormitory, kung saan nakapiit si dating House speaker Martin Romualdez, batay sa ginawang pagsusuri ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ito ay kasunod ng alegasyon ng veteran columnist na si Ramon ‘Mon’ Tulfo na palihim umanong nakakalabas ng kulungan si Romualdez sakay ng ambulansya, habang pinapatay umano ang ang kuryente para hindi ito mai-record ng CCTV camera.

Binigyang-diin din ng BJMP na pare-pareho ang mga patakaran sa kustodiya para sa lahat ng persons deprived of liberty (PDLs), at kinakailangan ng kaukulang utos ng korte bago payagang lumabas ng kulungan ang sinumang preso.

“The BJMP assures the public of its commitment to professionalism, transparency, and equal treatment of all PDL, without distinction or special privilege,” dagdag pa ng ahensya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *