Hinimok ng Philippine Embassy sa Paris ang mga Pilipinong naninirahan sa France na maghanda ng mga pangunahing pangangailangan na sapat para sa 72-oras sakaling magkaroon ng emergency.
Alinsunod ito sa paalala ng French authorities bilang bahagi ng kanilang hakbang para mapalakas ang kahandaan ng publiko sa mga posibleng krisis na dumating.
Pinayuhan diun ang mga Pilipino na mag-ingat sa gitna ng mga protesta na regular na nagaganap sa bansa.
Inirekomenda rin ang pag-iimbak ng mga cash o euro sakaling magkaroon ng aberya sa electronic payment systems, gayundin ang pagkakaroon ng family communication plan at pagsubaybay sa mga opisyal na abiso ng pamahalaan.
