Nag-post ng isang video simulation ang netizen na si Berms Benjamin sa Facebook ngayong Miyerkules, Agosto 13, kung saan makikita kung paano nangyari ang banggaan ng dalawang barko ng China habang binu-bully ang Philippine Coast Guard (PCG) ship BRP Suluan (MRRV-4406) sa Bajo de Masinloc na bahagi ng West Philippine Sea (WPS) noong Lunes, Agosto 11.
“Take note how the PLAN vessel turned into the CCG ship at the last moment, avoiding the PCG boat since damaging a Philippine vessel or injuring Filipino personnel would activate the Mutual Defense Treaty between the U.S. and the Philippines,” ayon kay Benjamin.
Ginamit ni Cmdr. Jomark Anggue, kapitan ng BRP Suluan, ang tinaguriang “Biglang Liko” maneuver.
“The Philippine Coast Guard skipper knew that his smaller and more agile vessel had a tighter turning radius compared to the larger and more powerful CCG and PLAN (People’s Liberation Army-Navy) ships,” ayon sa analysis ni Benjamin.
“His tight turn led to a ‘maneuver k*ll’ of an over-eager CCG skipper itching to bombard the smaller Philippine vessel with his water-cannon,” dagdag pa niya.
Dahil sa mahusay na ‘pagpag’ ng kapitan ng BRP Suluan sa CCG Ship 3104 nang bigla itong magbago ng direksyon, bigla ring nagmaniobra ang huli, dahilan upang ito ay masalpok ng PLAN destroyer ship 164 na humahabol din sa tagiliran ng PCG ship.
Naniniwala rin si Benjamin na biglang nagdesisyon ang kapitan ng PLAN vessel na ibangga na lang kanilang barko sa CCG ship, dahil batid niya na kung tuluyan nitong sasagasaan ng kanilang dambuhalang barko ang BRP Suluan (MRRV-4406) at magtatamo ito ng malaking danyos o kaya’y mayroong masusugatang Pinoy ay maaari nang pairalin ng US at Philippine government ang Mutual Defense Treaty (MDT) dahil maituturing na ito na pag-atake ng China sa Pilipinas.
“The result: loss of face with four Chinese guardsmen overboard, and an unseaworthy ship. Scratch one bogey,” ani Benjamin.
