Nabaluktot ang flagpole ng BRP Suluan matapos itong matamaan ng People’s Liberation Army Navy (PLA-Navy) ship na bumangga sa isang Chinese Coast Guard (CCG) vessel 3104.
Ayon sa ulat noong Martes, Agosto 12, nabaluktot ang flagpole ng Philippine Coast Guard (PCG) vessel BRP Suluan matapos itong mahagip sa banggaan ng PLA-Navy ship 164 at CCG vessel 3104 sa Bajo de Masinloc nitong Lunes.
Ito ay sa gitna ng patuloy na pangha-har@ss diumano ng China dahil sa West Philippine Sea kung saan hinabol ng CCG vessel ang BRP Suluan at binombahan ng tubig habang namamahagi ng tulong ang huli sa mga mangingisda bilang bahagi ng inilunsad na Kadiwa program.
Sa kabila naman ng naranasang pangha-har@ss ay nag-alok pa rin ng tulong ang BRP Suluan sa crew ng nabanggaang barko ngunit hindi sumagot ang mga ito nang magsalita sa radyo ang tauhan ng PCG.
Ulat ni Ansherina Baes
