Umabot na sa mahigit 10,000 ang naitalang kaso ng Ebola virus sa Democratic Republic of Congo, ayon sa datos na inilabas ng pamahalaan ng bansa nitong Martes, Oktubre 27.
Sa kabuuang 10,060 kaso ng Ebola sa Congo, 4,887 ang nauwi sa pagkamatay ng mga pasyente.
Matatandaang noong Mayo nang ianunsiyo ng Congo ang rare Bundibugyo species ng Ebola. Ito na ang pinakamalaki at pinakanakamamatay na Ebola outbreak sa bansa.
Ito ang ikalawa sa pinakamalaki at pinakanakamamatay na Ebola outbreak sa buong mundo, kasunod ng epidemya sa West Africa noong 2014–2016 na nakapagtala ng mahigit 28,600 kaso at mahigit 11,000 pagkamatay.
Samantala, iniulat din ng Kenya ang siyam na kaso, habang naging ikaapat na bansa sa Africa ang Nigeria na nakapagtala ng kaso ng Ebola.
