(Photo courtesy of NLEX SLEX Connector)
Matapos hindi maningil sa mahigit 14,000 motorista mula noong Marso ng kasalukuyang taon, pagbabayarin na ng toll fee ang mga motorista na gagamit ng Section 1 (Caloocan City hanggang España St., Manila) ng NLEX-SLEX connector simula sa Agosto 8.
Sa isang pahayag, sinabi ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), operator ng NLEX (North Luzon Expressway) at iba pang tollways sa Northern Luzon, ₱86 ang toll fee para sa mga Class 1 vehicles; ₱215 para sa Class 2 (minivan at bus); at ₱302 sa Class 3 (cargo trucks at trailers).
Samantala, target MPTC na kumpletuhin ang Section 2 (España hanggang Sta. Mesa sa Manila) ng NLEX-SLEX connector link sa huling bahagi ng 2023.
Layunin ng proyekto na mapabilis ang biyahe mula NLEX patungong University Belt sa Maynila at mabawasan ang dami ng mga sasakyan na dumaraan sa Malabon, Navotas, Caloocan, at Valenzuela.