Ipinag-utos ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Biyernes, Abril 11, ang pagbuo ng inter-agency task force na tutulong resolbahin ang mga kaso ng kidnapping sa bansa.

Alinsunod sa utos ni DOJ Sec. Remulla nitong Biyernes, Abril 11, ang anti-kidnapping task force ay bubuuin ng mga miyembro ng DOJ, National Bureau of Investigation (NBI), at Philippine National Police (PNP).

Ito ay inaunsyo ng ahensya matapos mangyari ang pagdukot at pagpatay sa Filipino-Chinese businessman na si Anson Que at sa kanyang driver, na natagpuanpatang patay sa gilid ng isang kalsada sa Rodriguez, Rizal noong Miyerkules, Abril 9.

Ayon kay PNP Chief of Staff General Rommel Marbil, sinimulan na ng awtoridad ang imbestigasyon sa insidente, kabilang ang posibleng pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo nito.

Maglulunsad naman ng isang hotline ang mga opisyal para sa mga tip o ulat tungkol sa mga kaso ng kidnapping.

Ulat ni Bea Tanierla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *