Inihayag ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Spokesperson Eric Apolonio nitong Huwebes, Abril 10, na handa na ang mga airports sa buong bansa para sa darating na Semana Santa.

“Nakahanda na po lahat ‘yung 44 airports, meron ho tayong Malasakit help desk, ‘yung ating medical personnel at saka ‘yung ating mga security personnel naka-ready ho ‘yan,” saad ni Apolonio.

Nagdagdag din umano sila ng tauhan para sa peak hours bilang bahagi ng marching orders ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon.

“Wala nga hong mga leave at cancel muna ngayon para masilbihan lahat ng pangangailangan ng ating mga pasahero,” ani Apolonio.

Ipinaalala naman niya sa mga pasahero na huwag magdala ng mga ipinagbabawal na kagamitan sa loob ng eroplano tulad ng powerbanks, vape, at ibang battery-operated gadgets upang maiwasan na ma-flag sa screening.

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *