Ibinahagi ni Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa sa press briefing ng Malacañang nitong Martes, Abril 15, na isinailalim na sa Code White ang mga ospital sa bansa bilang paghahanda ngayong Holy Week.
“The Department of Health has declared Code White of all our hospitals, that means they’re ready for all incidents that can happen for people travelling for this Holy Week,” saad ng DOH Secretary.
Nagpaalala rin si Herbosa sa mga magbabakasyon, lalo na sa mga pupunta ng mga dagat, na ugaliing maglagay ng sunscreen, manatiling hydrated, at “don’t stay too long in the sun” upang makaiwas sa heat-related illnesses ngayong panahon ng tag-init.
Bukod dito, pinaalalahan din ni Herbosa ang publiko na magbabakasyon at lalangoy sa dagat na bantayan ang kanilang pamilya upang maiwasan ang mga kaso ng “near drowning” o “drowning” incidents.
Idinagdag niya rin na sundin ang batas sa kalsada at sinabing: “Sana walang road (accident) kasi nga… Holy Week… be patient and be kind to other road users.”
Ulat ni Ansherina Baes