Sinimulan ng mabigyan ang mahigit apatnapu’t pitong Overseas Filipino Workers (OFWs) ng tulong financial na nagkakahalaga ng ₱30,000 bawat isa mula sa Department of Migrant Workers (DMW) ngayong Lunes, Hunyo 3.
Sa isang press conference, sinabi ni DMW Assistant Secretary Venecio Legaspi na 104 OFWs ang nakatakdang tumanggap ng cash grants mula sa ahensya.
Isa pang batch ng mga OFW ang nakatakdang makatanggap ng tulong sa Hunyo 7, sa araw ng Migrant Workers’ Day.
“[Sa] June 7 meron na kaming another 44 [beneficiaries] pero continuous po ‘yan dahil 104 po ang ating naaprubahan na makakatanggap,” ani Legaspi.
Karamihan sa mga benepisyaryo ay mga OFW na hindi nakabalik sa kani-kanilang trabaho sa ibang bansa habang ang ilan ay mga distressed na Pilipino na napauwi dahil sa mga kalamidad sa lugar na kanilang pinagtatrabahuhan.