Aabot sa 19 sasakyan ang natupok ng apoy sa parking area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 na nagsimula pasado ala-1:28 ng hapon ngayong Lunes, Abril 22.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), nagsagawa ng mopping operations ng MIAA Rescue and Firefighting Division sa lugar bagamat nagdeklara ng fire out ang mga ito ala-1:57 ng hapon.
“Tuyong damuhan at malakas na hangin, ilan lamang sa nakikitang posibleng dahilan sa paglaki ng apoy sa parking area,” pahayag ni MIAA General Manager Eric Jose Ines bagamat nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa naging sanhi ng sunog.
Wala ring naiulat na nasugatan sa insidente.
Inihayag ng MIAA na hindi naapektuhan ang flight operations sa apat na NAIA terminals sa naganap na sunog.
Samantala, sinabi ni Atty. Robby Consunji, director ng Automobile Association of the Philippines (AAP), na posibleng managot ang mga nangangasiwa ng parking area sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 kung saan nasunog ang 19 na sasakyan ngayong Lunes, Abril 22, ng hapon.
“There is an implied warranty that the parking lot is free and safe from fire,” ani Consunji.
“Parking lot operator has the duty to keep the lot free from fire hazards, plus keep adequate fire fighting equipment at the premises. Otherwise, there is a breach and/of negligence,” giit ng abogado.
“Tuyong damuhan at malakas na hangin, ilan lamang sa nakikitang posibleng dahilan sa paglaki ng apoy sa parking area,” pahayag ni MIAA General Manager Eric Jose Ines bagamat nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa naging sanhi ng sunog.