Humiling ng tulong sa Commission on Appointments si Tessa Luz Aura Reyes – Sevilla upang hadlangang ang interim promotion ng kanyang asawa na si Brig. Gen. Ranulfo Sevilla dahil sa umano’y mahabang panahon na pananakit nito sa mga miyembro ng kanyang pamilya na pinagkait din ng sapat na sustento ng opisyal.
“He does not deserve to be a general because it is my belief that a general should be accountable to the people. He is the kind of person who oppressed the mother of his children. He does not deserve to be promoted,” sabi ni Tessa.
Sa isang pulong balitaan nitong Martes, Marso 13, ikinuwento ni Gng. Sevilla ang kanyang naranasang pagmamalupit mula sa kanyang asawa matapos itong magkaroon ng kalakudidang na kanyang ibinahay din sa loob ng kampo malapit sa bahay ng pamilya Sevilla.
Ani Tessa, binibigyan lang ng heneral ng P2,000 kada buwan ang kanilang dalawang anak bilang sustento.
“I can no longer stay silent. No amount of ‘sorry’ or money will make me back down. We deserve to be vindicated,” ayon kay Tessa.
“To the gentlemen of the AFP, I hope you are hearing this: look into the sad life of the wives or partners of your men in the AFP. I have lost trust in the AFP,” dagdag niya.
Sinabi rin ng ginang na inireklamo niya ang pananakit at pambabae ng kanyang mister sa liderato ng Philippine Army subalit, aniya, dinedma lang siya ng mga opisyal ng hukbo at sa halip ay pinayuhan siya na maghain ng kaso so korte laban sa heneral.
Agad namang pinigil ng mga miyembro ng CA ang kumpirmasyon ng kanyang mister.
Si Sevilla ay kasalukuyang nakapuwesto bilang deputy commander ng AFP Special Operations Command.