Sinabi ng aktor na si Gabby Eigenmann kay Nelson Canlas para sa “24 Oras” na hinihintay pa nila ang ilang kanilang mga kaanak na galing pang ibang bansa bago maihatid ang kanyang ina na si Jaclyn Jose sa kanyang huling hantungan.

“Since na-cremate na siya yesterday, we’re just waiting for the other siblings of Tita Jane tapos ‘yung isa niyang anak, si Gwen, hinihintay lang namin. Then from there, we can decide on when to ano na, pero may mga schedule na kami na so far hanggang, mga nailalatag pa lang is until Friday or Saturday,” saad ng anak ni Jaclyn Jose na si Gabby Eigenmann.

Si Gabby ay kapatid sa ama ng actress na si Andi Eigenmann na anak ni Jaclyn Jose at Mark Gil. Anak ni Mark Gil si Gabby kay Irene Celebre.

“Nagpapasalamat kami sa suporta, sa patuloy na suporta ng lahat ng mga nagmamahal, not just kay Andi, but of course, siyempre kay Tita Jane. Sa lahat ng sumusuporta sa kanya, sa lahat, nagpapasalamat kami. And I’m just here to support my sister,” pahayag ni Gabby.

Ulat ni Erika May Lagat/Intern