Inilabas na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang listahan ng 19 na national roads kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pagdaan ng mga e-bikes, e-trikes at iba pang sasakyang de pedal.
Ito ay matapos aprubahan ng Metro Manila Council (MMC) ang isang resolusyon na magpapataw ng P2,500 sa mga lalabag sa MMDA Regulation No. 24-2022 na nagbabawal sa ilang mga e-vehicles tulad ng e-bikes, e-trikes at maging mga pedicabs, tricycles, kariton at kuligligs na daraan sa mga national roads.
“We are not totally banning the use of e-vehicles; we just want to regulate it since it has been a common cause of traffic and road crash incidents,” sabi ni Artes.
Ang bagong regulasyon ay posibleng ipatupad sa Abril 2024, ayon pa sa MMDA.
Kabilang sa mga national roads kung saan ipinagbabawal ang mga nabanggit na transportasyon ay ang mga sumusunod:
- C1: Recto Avenue
- C2: Pres. Quirino Avenue
- C3: Araneta Avenue
- C4: EDSA
- C5: Katipunan/CP Garcia
- C6: Southeast Metro Manila Expressway
- R1: Roxas Boulevard
- R2: Taft Avenue
- R3: SLEX
- R4: Shaw Boulevard
- R5: Ortigas Avenue
- R6: Magsaysay Blvd./Aurora Blvd.
- R7: Quezon Ave./Commonwealth Ave.
- R8: A. Bonifacio Ave.
- R9: Rizal Ave.
- R10: Del Pan/Marcos Highway/McArthur Highway
- Elliptical Road
- Mindanao Avenue
- Marcos Highway
Sinabi ni MMDA acting chairman Atty. Don Artes na oobligahin na rin ang mga driver ng electric-powered motor vehicles na kumuka ng driver’s license sa Land Transportation Office (LTO).
Sakaling mabigong magpakita ng balidong lisensiya ang driver ng mga e-vehicles, hahatakin ng mga traffic enforcers ang kanilang sasakyan sa impounding area.