Sa isang pag-aaral sa Proceedings of the National Academy of Sciences sa Amerika, nadiskubre na ang plastic bottled water ay isang daang beses na mas delikado dahil sa naglalaman ito ng maliliit na plastic fragment.
Gamit ang isang bagong proseso na tinawag na Stimulated Raman Scattering (SRS) microscopy, nadiskubre ng mga siyentipiko na mayroong average na 240,000 na nakikitang plastic particles sa bawat litro sa mga branded bottled water, na nagpapataas ng mga potensyal na panganib sa kalusugan.
Ayon kay Beizhan Yan, isang associate research professor ng geochemistry sa Columbia, “If people are concerned about nanoplastics in bottled water, it’s reasonable to consider alternatives like tap water, But we do not advise against drinking bottled water when necessary, as the risk of dehydration can outweigh the potential impacts of nanoplastics exposure.”
Ang mga nanoplastics, o mga particles na mas mababa sa 1 micrometer, ay maaaring pumasok sa katawan ng tao at humalo sa dugo, na maaaring makapinsala sa human organs.
Hindi pinangalanan ang mga partikular na tatak ng bottled water, dahil naniniwala ang mga mananaliksik na ang lahat ng de-boteng tubig ay naglalaman ng nanoplastics kung saan pinakakaraniwang uri na natagpuan ay naylon at polyethylene terephthalate.