Sinabi ng Department of Health (DOH) ngayong Huwebes, Enero 4, na isasailalim sa code white alert ang mga ospital nito simula Enero 6 bilang paghahanda sa taunang prusisyon ng Itim na Nazareno na kadalasang kumukuha ng milyun-milyong deboto ng Katoliko.
“This strategic deployment aims to ensure prompt and efficient emergency medical assistance, covering significant segments and quadrants to enhance the safety and well-being of all participants throughout the event,”ayon sa DOH.
Ang medical teams ay ilalagay sa karaniwang panimulang punto ng Traslacion, Quirino Grandstand, gayundin sa mga sumusunod na pangunahing lokasyon:
- Roxas Blvd. cor Ayala (National Museum & Fine Arts)
- Ayla Blvd. cor Taft (PNU)
- Ayala Blvd. cor San Marcelino
- San Sebastian Church with Reachout
- Villarica, Quezon Blvd
- Quinta Market
- Paterno, Quezon Blvd.