Sa press briefing ng Malacañang ngayong Miyerkules, Mayo 14, inihayag ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro na iniutos na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon na pag-aralan ang proposal tungkol sa mas mataas na insurance para sa mga public utility vehicles.

“Pinag-utos na po ng Pangulo kay DOTr Secretary Vince Dizon na pag-aralan pong mabuti ang proposal tungkol po sa higher insurance coverage para po sa PUVs,” saad ni PCO Undersecretary Atty. Claire Castro.

Ayon kay Castro, ito ay dagdag-proteksyon para sa mga posibleng maging biktima ng road accidents o negligence matapos ang sunod-sunod na aksidente sa kalsada kung saan marami ang nasawi.

“Ito naman po ay para sa karagdagang proteksyon para sa lahat ng maaaring mabiktima ng negligence o aksidente sa kalsada pero muli sasabihin po natin pinag-aaralan po itong mabuti kung ito ba ay nararapat at ito po ba ay napapanahon,” ani Castro.

Ulat ni Ansherina Baes