Idineklarang inosente ng US state of Oklahoma ang isang 71-anyos na si Glynn Simmons matapos gumugol ng halos 50 taon sa bilangguan para sa sa isang krimeng hindi niya ginawa.

Si Glynn Simmons, ay mas nababad sa jail facility bago mapawalang-sala kaysa sa ibang bilanggo sa kasaysayan ng US, ayon sa The National Registry of Exonerations.

Pinalaya si Simmons noong Hulyo matapos magsilbi ng kabuuang 48 taon, isang buwan at 18 araw sa bilangguan.

“This is a day we’ve been waiting on for a long, long time,” sabi ni Simmons. “We can say justice was done today, finally.”

“What’s been done can’t be undone but there could be accountability,” dagdag pa ni Simmons. “That’s what I’m about right now. Accountability.”