Hindi sapat ang ₱1 milyong intelligence fund para sa Commission on Human Rights, ani Senator Raffy Tulfo, kung kaya dapat dagdagan ito.
Sa pagdinig sa panukalang 2024 budget ng CHR, sinabi ni Tulfo na isa ang CHR sa mga ahensiya ng gobyernong karapat-dapat na bigyan ng malaking intelligence fund, lalo na’t nakatutok ito sa pagtataguyod ng karapatang pantao ng mga Pilipino.
“May mga agencies sa gobyerno na hindi naman deserving — hindi na ako magbabanggit – na magkaroon ng confidential fund [pero] meron. [CHR] really needs a confidential fund. One million is not enough,” anang senador sa pagdinig sa hinihinging budget ng CHR na ₱76,363,000.
Sa naturang halagan, nasa P1 milyon lamang ang inilaan para sa intelligence fund ng ahensiya.
Ani Tulfo, magtatambal sila ni Sen. Jinggoy Estrada para isulong ang paglalaan ng karagdagang intelligence fund ng CHR.
Samantala, ₱4 milyon ang hiling na confidential and intelligence fund ng ahensiya, batay sa mungkahi ni CHR Executive Director Jacquelie De Guia.