Ang Los Angeles Lakers superstar na si Lebron James, No. 1 na sa NBA all-time scoring record, matapos makapagtala ng 39,000 career points ngayong Miyerkules, Nobyembre 22, ng umaga habang nasa LA matchup laban sa Utah Jazz sa Crypto.com Arena.

Si LeBron ay may career average na 27.2 points, 7.5 rebounds at 7.3 assists kasama ang Cleveland Cavaliers, Miami Heat at Lakers. Una siya sa kasaysayan ng NBA sa mga puntos, fourth in assists, eighth in steals, fifth in triple-doubles, third sa player efficiency rating at pang-anim sa points per game.

Pumasok si LeBron sa NBA straight out sa high school noong 2003. Nanalo siya ng apat na titulo, apat na Finals MVP at apat na regular-season MVP.

Matapos ang tagumpay, hindi pa rin niya naproseso ang ibig sabihin nito bagaman nagpapasalamat siya sa pagiging unang nakakamit nito.

“No, not really. I have not. Got congratulated by all my teammates and coaches and things of that nature. I haven’t had an opportunity to really I guess wrap my head around what that means. There’s been a lot of great players that have come across this league since the beginning of time, so many great scorers. To be able to accomplish something that’s the first of anything, I think that’s always pretty cool. It’s a wild moment, that’s for sure,” ayon kay Lebron.

Si LeBron, ay lumampas sa isa pang Lakers legend na si Kareem Abdul-Jabbar bilang all-time scoring leader ng liga noong Pebrero, na mayroong pag-attend si Abdul-Jabbar sa Crypto.com Arena.