Tumabo sa kita ang Bureau of Customs (BOC) ngayong Agosto nang umabot sa ₱76.5 bilyon ang kabuuang koleksiyon nito, na mas mataas kaysa sa target ng ahensiya para sa naturang buwan.
Basahin: Ayon sa pahayag ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio, mataas ang nakolekta ng ahensiya noong nakaraang buwan kaysa sa itinakdang target ng Development Budget Coordination Committee’s (DBCC).
Dahil dito, nasa ₱582.133 bilyon na ang kabuuang koleksiyon ng BOC mula Enero hanggang Agosto, na 4.24 porsiyentong mas mataas kaysa sa koleksyon sa parehong mga buwan noong 2022.
Samantala, ipagpapatuloy naman ng BOC ang pagsubaybay sa kalakalan at ang pagpapatupad ng mga hakbang para masustine ang momentum ng pagkolekta sa kita ng ahensiya, ayon kay Rubio.