Stranded Zambales teachers rescued

Walong teacher ang nasagip matapos ma-stranded sa upland barangay sa Botolan, Zambales sa gitna ng hagupit ng bagyong Dodong at habagat noong Linggo, Hulyo 16.

Sa tulong ng mga rescuers ng Botolan Municipal Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at ng isang kalabaw, agad na nasagip ang walong guro.

Ayon sa mga awtoridad, Biyernes, Hulyo 14, pa sana balak umuwi ng mga guro pero na-stranded ang mga ito dahil sa taas ng tubig ng ilog na kailangan nilang tawirin para makarating sa bayan.

—Ryan Jorge