Inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba ang kabuuang rice stocks inventory ng bansa sa 26.5 porsiyento nitong unang apat na buwan ng kasalukuyang taon kumpara noong 2022.
Ito ay sa kabila ng ipinagbunyi ng Malacananang ilang araw lang ang nakararaan na tumaas ang produksiyon ng bigas sa bansa ng tatlong porsiyento sa unang anim na buwan ng kasalukuyang taon, kumpara sa kahalintulad na panahon noong 2022.
PBBM: 3% growth in local rice production is ‘excellent news’ – Pilipinas Today
Sa pinakahuling datos ng PSA, umabot sa 22.1 milyong metriko toneladang (MMT) ang rice stocks inventory ng bansa noong Enero hanggang Abril 2022 subalit ito ay sumubsob sa 1.84 MMT sa unang apat na buwan ngayong 2023.
Sa kabuuang imbentaryo ng bigas, bumaba ng halos 26 porsiyento ang mga nakaimbak na bigas sa household sektor, – 26.9 porsiyento sa commercial sector at – 27.1 porsiyento sa mga depository ng National Food Authority (NFA).
Nakapagtala rin ang PSA ng month-pn-month reduction ng NFA rice inventory na nasa 3.9 porsiyento mula Enero hanggang Abril 2023.