Ipinagbunyi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ulat ng Phililppine Statistics Authority (PSA) na lumago umano ang produksiyon ng bigas sa bansa nang tatlong porsiyento sa unang anim na buwan ng kasalukuyang taon .
Base sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), umabot sa 9 milyon metrikong tonelada ang produksiyon ng palay sa unang anim na buwan ng kasalukuyang taon kumpara sa 8 MMT noong 2022.
Sinabi ng Malacanang na mas mataas ito kumpara sa naging pagtaya ng Department of Agriculture (DA).
Sa ginawang pagpupulong sa Malacanang ngayong Martes, Agosto 15, ipinarating ni DA Undersecretary Domingo Panganiban sa Pangulo ang ulat ng PSA hinggil paglago ng palay production mula Enero hanggang Hunyo ng kasalukuyang taon.
Ang PSA report ay mas mataas din kumpara sa naging projection ng Philippine Rice Information System (PRISM) na unang naglabas ng estimate na aabot sa 8.7 MMT ang local rice production, dagdag pa ng Palasyo.
Ayon DA, ang paglago ng produksiyon ng palay ay mahalaga upang matiyak ang supply ng bigas sa bansa na inaasahang tatagal hanggang sa pagtatapos ng kasalukuyang taon. Ito ay sa kabila ng pananalasa ng Super Typhoon “Egay” sa sektor ng agrikultura.
Inihayag ni Undersecretary Locadio Sebastian ng DA Rice Industry Development na ang 9 MMT ay may katumbas na 5.9MMT milled rice ay mas higit ng 200,000MMT sa unang pagtaya ng PRISM na 5.7MMT. Aniya, ang 9MMT palay production sa unang anim na buwan ng 2023 ay mas mataas sa production level sa first half output ng 2022 at 2021.
Ayon sa Malacanang, pinagtibay ng pinakahuling ulat ng PSA sa rice production ang supply outlook para sa bigas at ito ay sumasalungat sa mga ispekulasyon na magkakaroon ng rice supply shortage sa mga susunod na buwan.
[…] PBBM: 3% growth in local rice production is ‘excellent news’ – Pilipinas Today […]