Kinuwestyon ni House Deputy Minority Leader and ACT Teachers Rep. France Castro ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagkakaroon nito ng 10 undersecretaries at 20 assistant secretaries sa budget briefing ng House Appropriations Committee.
Inamin naman ni DSWD Secretary Rex Gachalian na maraming undersecretaries at assistant secretaries na nakapuwesto sa ahensiya pero kasalukuyan daw silang nagsasagawa ng pagbabawas sa mga ito sa ilalim ng ikinasang streamlining program.
Banat ni Castro tila lumalabas na mas marami pang mga undersecretary at assistant secretary ang DSWD kaysa sa mas malaking ahensiya tulad ng Department of Education.
“Napakalaki nitong executives dahil kung akong titingin, mas magandang maibigay natin ang pondo para doon sa talagang nasa ground na magtatrabaho, yung mga social worker,” dagdag pa ni Castro.
Depensa naman ni Gatchalian napakalaking ahensya ang DSWD na may 34,000 na empleyado . Bukod sa nagpapatakbo raw sila ng iba’t ibang programa , namamahala sila ng pinakamalaking maintenance and operating expenses (MOOE) at grants sa DSWD.