Ibinasura ngayong Huwebes, Agosto 17, ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) ang dalawang kasong kriminal na inihain laban sa beteranong broadcaster Jay Sonza, ayon sa ulat ng DZBB.
Ang naturang radio report ay base sa pahayag ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) spokesman Chief Jail Inspector Jayrex Joseph Bustinera na ibinasura ng QC RTC Branch 100 ang mga kasong syndicated estafa at large-scale illegal recruitment laban kay Sonza.
Nagdesisyon ang korte ang dalawang kaso, na kapwa non-bailable, matapos mabigo ang mga complainant na dumalo sa mga pagdinig.
Samanatala, nagdesisyon din ang QC RTC Branch 215 para sa “provisional dismissal” ng estafa case laban sa broadcaster.
Sinabi ni Bustinera na sa kabila ng pagbasura ng dalawang sangay ng QC RTC ng mga kaso laban kay Sonza, hindi pa rin ito makalalabas ng piitan dahil sa kasong libelo na kinahaharap nito sa QC RTC Branch 77.
Nakatakdang basahan ng sakdal si Sonza sa naturang court sala kung saan papayagan umano ito na pansamantalang makalaya kung paghahain ng P10,000 piyansa. Ang arraignment laban sa akusado ay isasagawa sa pamamagitan ng video conferencing para na kasalukuyang nakapiit sa isang COVID facility ng BJMP, ayon sa report.
Ang 67-anyos na mamamahayag ay unang naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) noong nakaraang buwan bago inilipat sa pangangalaga ng BJMP sa Payatas, Quezon City.
[…] Read more: 2 Kasong kriminal vs. Jay Sonza, ibinasura ng korte – Pilipinas Today […]