Pansamantalang pinalaya ng korte ang beteranong broadcaster at talk show host na si Jay Sonza matapos magpiyansa noong Martes, Agosto 22, 2023.

Sinabi ng mga opisyal ng Ligtas COVID Quarantine Center Facility sa Barangay Payatas na pinalaya si Sonza pasado alas-8 ng gabi nitong Martes. Si Sonza ay nahaharap sa kasong libelo sa Quezon City Regional Trial Court Branch 77.

Matatandaan na kamakailan ay ibinasura ng Quezon City RTC 100 ang mga kasong syndicated estafa at large-scale illegal recruitment laban sa mamamahayag.

Read more: 2 Kasong kriminal vs. Jay Sonza, ibinasura ng korte – Pilipinas Today

Ito ay matapos mabigo ang mga complainant na dumalo sa mga pagdinig ng naturang korte.

Samantala, nagdesisyon din ang QC RTS Branch 215 na probisyunal na ibasura ang isa pang estafa case laban sa broadcaster.

Si Sonza ay dating co-host sa sikat na talk show “Mel and Jay” na naging “Partners Mel and Jay” kasama ang veteran newscaster na si Mel Tiangco.