Sinuspinde ng Malacanang ang klase sa lahat ng public schools at trabaho sa mga government offices sa Metro Manila at Bulacan sa pagbubukas ng FIBA games sa Agosto 25.
Base sa Memorandum Circular No. 27 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, magiging abala ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa pagbibigay suporta sa idaraos na opening ceremony ng 2023 FIBA Basketball World Cup na gaganapin sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan sa Agosto 25.
“In view of the commitment of the public sector towards wider involvement and participation in sports promotion and development, and in order to extend its full support and assistance to the Philippine Sports Commission (PSC) in ensuring the safe, orderly, and successful conduct of the opening ceremonies of the FIBA Basketball World Cup to be held at the Philippine Arena in Bocaue, Bulacan on 25 August 2023, work in government offices and classes are suspended on 25 August 2023,” nakasaad sa memorandum.
Binigyang diin ni Bersamin na ang mga tanggapan ng gobyerno na may kinalaman sa paghahatid ng basic at health services, at pagtulong sa relief and rehabilitation sa mga lugar na nasalanta ng kalamidad ay hindi saklaw ng memorandum circular.
Samantala, ipinauubaya naman ni Bersamin sa mga privadong kumpanya at paaaralan sa Bulacan at Metro Manila kung susupindehin din nila ang pasok o operasyon sa kani-kanilang lugar.
Ayon sa mga sports insiders, inaasahang dadalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagbubukas ng makasaysayang international sports event dahil ito ang unang pagkakataon na gaganapin ang FIBA games sa tatlong bansa – Philippines, Japan, at Indonesia – simula Agosto 25 hanggang Setyembre 10.
Tatlomput dalawang koponan ang magpapagalingan kung sino’ng bansa ang tunay na naghahari sa larangan ng basketball.
[…] ng bansa, partikular sa gaganaping palaro, na inaasahang dadagsain ng libu-libong basketball fans. Suspendido na rin ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno at eskuwela sa lahat ng antas, bilang paghahanda sa makasaysayang sports […]